Ang ABM o Accountancy, Business, Management ay isa sa mga strand na inaalok sa Academic Track ng Senior High School. Layunin nitong mabigyan ng sapat ng kaalaman ang bawat mag-aaral na kukuha ng Accountancy, Management, at iba pang business-related na mga kurso sa kolehiyo. Bukod sa pagkakaroon nito ng mga espesyal na mga asignatura gaya ng Fundamentals of Accounting, Organization and Management, Business Math at iba pa, nakatutulong din ito sa mga mag-aaral upang malaman ang iba't-ibang kakailanganin kung ipagpapatuloy pa itong kurso pagdating ng kolehiyo. Ngunit ano nga ba ang benepisyong makukuha mo sa strand na ito? Paano naman ito makakatulong sa ating sarili kumpara sa iba pang strand sa Senior High School? At bakit nga ba dapat ito ang iyong kunin para sa Senior High School? Unang una, ang ABM ay nakapokus sa pagnenegosyo at sa accounting. Alam naman natin na ang pag-nenegosyo ay isa sa mga pinakamaraming trabaho sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Nakatutulong ito sa