Lumaktaw sa pangunahing content

ABM: Ang strand na dapat kunin ng mga kabataan ngayon

Ang ABM o Accountancy, Business, Management ay isa sa mga strand na inaalok sa Academic Track ng Senior High School. Layunin nitong mabigyan ng sapat ng kaalaman ang bawat mag-aaral na kukuha ng Accountancy, Management, at iba pang business-related na mga kurso sa kolehiyo. Bukod sa pagkakaroon nito ng mga espesyal na mga asignatura gaya ng Fundamentals of Accounting, Organization and Management, Business Math at iba pa, nakatutulong din ito sa mga mag-aaral upang malaman ang iba't-ibang kakailanganin kung ipagpapatuloy pa itong kurso pagdating ng kolehiyo. Ngunit ano nga ba ang benepisyong makukuha mo sa strand na ito? Paano naman ito makakatulong sa ating sarili kumpara sa iba pang strand sa Senior High School? At bakit nga ba dapat ito ang iyong kunin para sa Senior High School?

Unang una, ang ABM ay nakapokus sa pagnenegosyo at sa accounting. Alam naman natin na ang pag-nenegosyo ay isa sa mga pinakamaraming trabaho sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Nakatutulong ito sa pagpapalago ng isang bansa, lalong-lalo na sa pang-ekonomikong kalagayan ng bansa. Ang benepisyo mong makukuha sa pagpili ng ABM ay napakarami, at isa na rin dito ang pagkakaroon ng time management o pamamahala ng tamang oras sa bawat bagay. Ang ideyang ito ay di-direktang naituturo sa strand na ito. Ibig sabihin ay likas ang pagkakaroon nito dahil kinakailangan ang time management lalong lalo na kung ikaw ay mayroon nang isang negosyo. Hindi lamang ito makatutulong sa iyong mga gawain, ngunit pati na rin sa iyong sarili. Ayon sa itsmorefuninabm1.blogspot.com, ang mga mag-aaral mula sa ABM ay maaaring matutunan at malaman kung paano magpatakbo ng isang negosyo. Ito naman ay masasabing mahalaga sapagkat hindi lamang sa mga bagay na may konkesyon sa negosyo magagamit ang pagpapahalaga sa oras, ngunit sa maraming bagay din, kung sakaling ang kursong iyong kukunin sa kolehiyo ay wala nang koneksyon sa pagnenegosyo.

Naituturo din dito ang pagiging responsable. Ito ay isa ring katangian na dapat meron ang isang negosyante. Ngunit katulad ng nabanggit ay hindi lamang dito nagagamit ang pagiging responsable. Kung ABM ang pipiliin ng isang mag-aaral, mas marami pa siyang matututunan dito na magagamit hindi lamang sa pagnenegosyo o pangangasiwa, ngunit kasama na rin ang lahat ng bagay na ating ginagawa.

Dapat itong kunin ng mga kabataang katulad mo para sa Senior High School dahil mas maraming makikinabang sa pag-aaral mo nito hanggang sa makapagtapos ka at makahanap ng trabaho o negosyo. Isa pang magandang dahilan kung bakit mahalaga ang pagpipili ng ABM ay dahil ito ay nakahanay sa mga in-demand na trabaho sa ating bansa. Katulad nga ng nabanggit, napakaraming negosyante sa ating bansa at isa ito sa pinakamalaking trabahong kinukuha ng mga tao.

Salita ni Jeremiah Cordial

Para sa wastong paggamit ng sanggunian maaaring gamitin ang siping ito:
Cordial, J. (2017). ABM: Ang strand na dapat kunin ng mga kabataan ngayon. Retrieved from: https://academictrackabm.blogspot.com/2017/03/abm-ang-strand-na-dapat-kunin-ng-mga.html?showComment=1603450882049#c3383675146751897629

Mga Komento

  1. Mga Tugon
    1. Ako po, sorry for the late reply. You can use Cordial, J. (2017). ABM: Ang strand na dapat kunin ng mga kabataan ngayon. Retrieved From: link.

      Burahin
  2. Mga Tugon
    1. ako po, charot lang hindi ako HAHAHA

      Burahin
    2. Ako po. You can use Cordial, J. (2017). ABM: Ang strand na dapat kunin ng mga kabataan ngayon. Retrieved From: link.

      Burahin
  3. Mga Tugon
    1. Ako po. You can use Cordial, J. (2017). ABM: Ang strand na dapat kunin ng mga kabataan ngayon. Retrieved From: link.

      Burahin
  4. Mga Tugon
    1. Ako po. You can use Cordial, J. (2017). ABM: Ang strand na dapat kunin ng mga kabataan ngayon. Retrieved From: link.

      Burahin

Mag-post ng isang Komento